This story is from a TikTok. The translated version of this story can be found here.

My law professor in review school asked one of the girls inside the room.

"May jowa ka ba?" "No, sir," sagot ng kaklase ko.

Then naglakad siya ulit at tinanong yung isa kong kaklase sa dulo,

"Eh ikaw? May jowa ka?"

Medyo natahimik yung kaklase ko sandali pero sumagot siya,

"Opo, sir". "Ah talaga? Ilan?" "Isa po, sir." "Susunduin ka ba niya after this class?" "Hindi po, sir," sagot ng kaklase ko.

Tinanong ng professor ko kung bakit hindi siya susunduin ng jowa niya pero hindi nakasagot yung kaklase ko.

Sabi ng professor ko,

"See, what's the difference of having a boyfriend? Walang pinagkaiba. May boyfriend, hindi susunduin. Walang boyfriend, walang magsusundo?" "Why not magjowa kayo ng marami, girls?"

We laughed, pero oo naman kasi, sabi ko sa sarili ko, sa sitwasyon na yun, wala talagang pinagkaiba.

My professor said,

"Girls, be wise. Yung isa may jowa at yung isa wala pero parehong walang magsusundo sa kanila, right? Alam niyo kung bakit? Kasi your boyfriend is very comfortable. He is not afraid of losing you. Akala kasi ninyong mga babae, your boyfriend is the best. How can you know he's the best if he is only one? Paano mo malalaman na the best ang isang libro kung hindi kayo magbabasa ng iba pang libro? Ang problema kasi sa mga babae, pinipili nila kung sino ang magiging boyfriend nila at hindi ang magiging husband nila. Ang damit nga bago nyo bilhin, pinipili. Yung make up bago niyo bilhin, tini-testing. Pero ang husband hindi. Di ba? Dapat marami kang boyfriend."

We laughed hard.

Is it right ba na magjowa kami ng marami? Sabi ko sa isip ko. Parang mali naman.

"Bakit? Anong masama sa pagkakaroon ng maraming boyfriend? Baka isipin ng iba na ikaw ay CHEAP? MALANDI? So your character pala is measured by the number of boyfriends you have and not by what you do?"

"Ganito kasi ibig ko sabihin, may dalawang babae, yung isa lima boyfriend pero hindi nakikipagtalik. Yung isa, isa lang ang boyfriend pero nagtatalik sila. So sino ang malandi? Yung lima ang jowa o yung iisa lang?"

Natahimik kami bigla.

"Alam mo kung hindi mo pinipili ang magiging husband mo, baka dumating ang araw, your child will ask you this question, ‘Mom, why you didn't choose the right guy to be my father?’

Or baka mamaya lalapit kayo sa akin,

"Attorney, pwede patulong mag-file ng annulment, nullity of marriage, divorce? I married the wrong guy."

Kasi you didn't choose who will be your husband. Ang husband, forever. Dapat walang chance na maghihiwalay kayo."

"Alam mo yang boyfriend mo, kaya niyan makadalawa o tatlo, try mo mag-entertain ng iba pang suitor, magagalit yan. Correct? Because he is afraid to be compared to others kasi he knows he is not the best. Again, because if he knows he's the best, he will welcome competition and let the other suitors come until each of them be gone. Di ba?"

"Boys have a lot of options kung sinong liligawan niya. Yes! You girls are just one of a millions of options na pwede nilang ligawan. Minsan nga, sabay-sabay pa kayong liligawan niyan at paunahan na lang kayong sumagot, di ba?"

"Then ang gagawin mo, sasagutin mo siya kasi wala ka nang option," he said jokingly.

"My point is, love is very unfair sa side ng mga babae. Boys may choose among the girls. Eh ang mga babae, syempre ang sasagutin lang niyan is isa lang sa mga nanliligaw sa kanya, hindi naman pwedeng sagutin ng babae yung hindi nanliligaw sa kanya. Eh paano kaya kung pangit yan? Eh talaga namang wala nang choice ang babae. Hindi naman pwedeng babae ang manligaw sa lalaki unless malandi yan."

"So boys, once you choose the girl, and the girl choose you back, cherish it with all your heart, love her, be thankful, make her special kasi sinagot ka niya. Sinagot ka niya kasi para sa kanya, you're the one. Sunduin mo siya after class," dagdag niya.

"That's for you, boys. Since SOME of the girls are faithful enough to love you wholeheartedly and can't do the remedy I suggested, it's your natural obligation to be fair with them, give justice and learn your conscience."